Iba na talaga ang panahon ngayon. Marami na ang nagbago. Ako po ay taga-Nueva Ecija. Dati pag kami'y lumuluwas kasama ang nanay at tatay ko upang mamili sa Baclaran at Divisoria, masayang-masaya po ako at makakapasyal na uli ako sa Maynila. Napaka-ganda ng Maynila nung mga panahong iyon. Medyo trapik na rin pero di pa ganun kasama ang lagay ng kapaligiran.
Ngayon, lumipas ang mahigit 20-taon, ang laki na ng pinagbago. Napakaraming tao kahit saan ka magpunta, at syempre marami rin basura at mausok na mga sasakyan. Kung makikita nyo lang sa malayo ang Kamaynilaan, iisipin nyo na parang takipsilim na ang umaga. Sa sobrang kapal at itim ng mga ulap na bumabalot sa siyudad marahil di mo na nanaisin pang mabuhay ang pamilya mo sa ganitong maruming kapaligiran.
Bakit kaya ito nangyari? Sino ang dapat sisihin? Bakit habang umaasenso ang ekonomiya, ang ating kalikasan ang nagsasakripisyo?
Marahil ikaw na bumabasa nito ang makakaalam kung naging bahagi ka ng ganitong kalagim na pangyayari. At hindi ito matatapos at maaayos hanggat di tayo magtutulungan. Di lang bilang isang mamamayan kundi higit sa lahat bilang isang anak ng Diyos na marunong magmahal sa mga nilikha nya.
Ako po ay nagsasaad lamang ng aking pananaw na dati ay di ko magawa dahil wala akong pakialam sa aking paligid. Nalulungkot ako at ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon ipahiwatig ang mga ganitong pananaw na sana ay mahikayat ko ang ibang kabataan na tulungan natin ang ating bansa na igalang ang kalikasan. Mahalin natin ang ating bayan.
Salamat sa iyong oras.
No comments:
Post a Comment